Blog article for February 20 & 23, 2012 Classroom Sessions:
Indigenous Theory and Pantayong Pananaw
Indigenous Theory and Pantayong Pananaw
Nais kong isulat ang artikulong ito sa wikang aking kinagisnan pagkat ang pag-uusapan naman natin ay patungkol sa pagsasakatutubo.
Ang pakay ng artikulong ito ay ilatag at ipaliwanag ang ilang mga katangian ng mga Pilipinino na ayon sa mga kanluranin ay may pagka-negatibo ang dulot sa ating mga pagkatao.
- Utang na Loob o Debt of Gratitude
- Isang natural na katangian ng mga Pilipino ang pagtanaw sa ating mga utang na loob sa ating kapwa. At bagamat para sa nakararami, ito ay isang katangian na walang mabuting maidudulot kung hindi ang pagiging sobrang mahiyain at ang pagpapababa sa sarili, hindi ako sumasang-ayon. Ang katotohanan lamang ay ang pagtatanaw ng utang na loob ay isang aksyon na nagpapakita ng pagiging mapangkumbaba ng mga Pilipino. Ito rin ay maaring magsabi na ang mga Pilipino ay hindi nakakalimot ng mabubuting turing ng kanilang kapwa. Maaari rin itong magsabi na ang mga Pilipino ay mabait at matulungin sa kapwa Pilipino sapagakat ang bawat isa ay nagdudulot ng mabuti sa isa't-isa.
- Pakikisama o Getting Along
- Kapag ang iyong sasabihin ay hindi magandang pakinggan o kaya ay makakasakit ng kapwa, mas makabubuting huwag mo na lamang ito sabihin. Bakit? Dahil dapat ay marunong tayong makisama. Ang pakikisama ay isa rin sa mga kilalang negatibong katangian ng mga Pilipino ayon sa mga kanluranin sapagkat ito ay nagsasabing hindi mali ang pagsisinungaling o ang pagiging "plastic". Paminsan, ito ay naihahambing sa pagsisinungaling. Ngunit para sa akin, sila ay nagkakamali. Nakikisama ang mga Pilipino upang mapanatili ang magandang relasyon ng bawat isa. Ibig sabihin, natural lamang na umiwas sa gulo o away ang mga Pilipino upang mapanatiling mapayapa ang kapaligiran.
- Hiya o Shame
- Sinasabi ng mga kanluranin, halos lahat ng mga Pilipino ay mahiyain. Sinasabing negatibo ang katangian na ito dahil ito ay nagpapakita ng pagbababa sa sarili kahit hanggang sa punto na hindi na karapat-dapat. Paminsan, tulad ng Pakikisama, ito rin ay naihahambing sa pagsisinungaling. Ngunit, naniniwala akong hindi negatibo ang epekto ng katangian na ito sa ating pagiging paka-Pilipino dahil natural lamang sa ating ang pagpapakumbaba at ang palaging pag-iintindi at pagrerespeto ng mga nararamdaman ng ating mga kapwa kaya tayo ay nahihiya.
- Bahala na Mentality
- Natural lamang na isipin ng kahit sino man na ang pagsasabi ng "Bahala na!" ay isang simbolo ng pagiging tamad o pagkawalan ng determinasyon, lakas ng loob at pananalig sa sarili pagkat maaari nitong ipakita na ang nagsasalita ay sumosuko na at hahayaan na lang mangyari ang mga mangyayari. Ngunit, sa katotohanan lamang, kabaligtaran pa nga ang ibig sabihin nito. Ang taong nagsabi ng "Bahala na!" ay isang napakatapang at magiting na tao.
Ito at marami pang ibang katangian ang tila negatibo ang dating ngunit sa katotohanan ay kabaligtaran naman pala kung ating pag-iisipan at papansinin ng buong buo at ng mas mahusay. Bilang isang Pilipino, taas noo kong inaamin na ang ilan sa mga katangiang ito ay aking ipinamamalas.
♥ Reese Corpuz
No comments:
Post a Comment