SENSE: (v) to become aware of, to grasp the meaning of; understand

SENSIBILITY: (n) awareness, responsiveness, keen consciousness and appreciation

Sunday, March 4, 2012

Sa Bandang Katimugan, Naroon Sila

Critical Commentary: Indigenous Filipino

Napag-usapan ang dalawang uri ng pagsasakatutubo at para sa aking komentaryong ito, ninanais kong gumaming ng pananaw ng Pagsasakatutubong Panloob - ang pagsasakatutubo na nagmumula sa loob o sa atin mismo. Sang-ayon rito ang usapang ng identidad bilang isang nasyon na mayroong iisang kultura, iisang paniniwala, iisang katauhan.

May tatlong naratibo ang nagpapairal sa Indigenous Filipino theories - ang Sikolohiyang Pilipino, Pilipinolohiya at ang Pantayong Pananaw. Bawat isang naratibo ay nagsasabi ng isang idea na kung saan ay magpapalakas ng pagpa-Pilipino ng mga makaiinitndi rito.

Nais kong gamiting halimbawa ng isang tribo sa Mindanao upang ilathala ang importansya ng tatlong naratibong ito at ng kabuohan ng mga teoryang Indigenous Filipino.

Maranao ang tawag sa mga naninirahan sa Lanao, Mindanao, Timog na isla ng Pilipinas. Kilala ang mga Maranao bilang mga "People of the Lake" pagkat ang kanilang tirahan ay ang Lanao lake. Kilala ang mga Maranao sa husay nila sa sining, paghahabi, sa mga paguukit sa kahoy at tanso at sa kanilang makukulay na literatura. Ang identidad o pagkatao ng mga Marano ay hinugot nila sa lawa ng Lanao mismo. Ang lawa ay ang pinagkukuhanan nila ng pagkabuhayan kasama ang agrikultura at ang pangingisda. Nasakop man ang Pilipinas ng tatlong malalakas na kanluranin, hindi nagbago or naapektuhan ang identidad ng mga Maranao. Nanatili silang mga Muslim, mga taong tribo, mga may angking katangian.


Pananalita: Hanggang ngayon, labag parin sa loob ng mga Maranao ang matutuo ng ibang pananalita. Nais nilang mapanatili ang pagka-buo ng dialektong Maranao basta't nasa kanilang teritoryo. Saludo ako sa ganitong aksyon. Sinasabi sa Pilipinolohiya na importante ang pagtanaw sa sariling atin bilang dominante o nakatataas kumpara sa mga impluwensyang nanggagaling sa labas. Sa pamamagitan ng pagpapanatili ng paggamit ng mga Maranao sa kanilang lokal na dialekto, naisakatuparan nila ng mensaheng pinupunyagi ng Pilipinolohiya.

Pananamit: Tulad ng kanilang mga kasanayan patungkol sa kanilang pananalita, ang kanilang pananamit ay talagang kontrolado rin. Bihirang-bihira lamang sa kanina, kahit sa mga panahon na ngayon, ang magsuot ng kadamitang hindi gawa ng mga lokal nilang mananahi. Ang mga damit na tila ay mukhang costume na lamang sa ating mga taga-Maynila ang kanilang pinagaaraw araw pagkat ito ang kinagisnan nila at naniniwala silang hindi ito dapat mag-bago dahil lamang sa mga impluwensya ng mga kanluranin.

Musika: Napaka-ganda ng tunog na nagmumula sa mga lokal na instumento ng mga Maranao. Naniniwala silang walang kahit anong makabagong instrumento ang makagagawa ng mga tunong na ginagawa ng mga ito. Ang ilang instrumentong likas sa mga Maranao ay ang kulintang, kudyapi at ang biyula.

Literatura: Ang epiko na nagmula sa Maranao ay ang epiko ng Darangen. Ang storyang ito ay naparangalan ng UNESCO bilang Masterpiece of the Oral and Intangible Heritage of Humanity. Tunay na ikinatutuwa ng mga Maranao ang pagpaparangal na ito kaya't mas lalo pang tumibay ang kanilang pagiging iisang nasyon.

Sayaw: Ang Singkil ay isa sa mga pinaka-mahirap sayawin na tradisyonal na sayaw para sa akin. Upang maging maganda ang interpretasyon ng isang mananayaw ang orihinal na pagtatanghal ng Singkil ay dapat talagang mainitindihan. Hindi katulad ng mga makabagong sayaw ng mga panahon ngayon tulad ng Hiphop, ang Singkil ay may tradisyonal na storya o pinaggalingan. 


Ang tribo ng Maranao ay nagsasanay ng pagka-Pilipino sa araw araw nilang gawain kahit nakalipas na ang ilang mga kolonyal na estado at kahit ang impluwensyang kanluaranin at ang implwensya ng technolohiya ay patuloy na bumibisita sa kanilang birheng lawa ng Lanao. Hindi rin naman masama ang pagtanggap ng mga ideang kanluranin pagkat ito rin ay kinakailangan upang lumawak ang ating mga isipian. Ngunit, mas lalong hindi makasasama ang kaunting pagpipigil upang mapanatiling likas at totoo ang ating pagka-Pilipino. Ang mga Maranao ay nagpapakita ng magandang halimbawa upang mapanatili ang tunay nating pagka-Pilipino.

♥ Reese Corpuz

References:

No comments:

Post a Comment